Etchuserang Daga

Posted on at


Gravity! Sayang hindi ko nadala camera ko habang nagmo-morning walk kami ni cutie pie 2 kanina! Yes, morning walk talaga. Kasi ang hyper ni kuya cutie pie 1 pagkagising so sinasama ko muna siya maglakad habang si hubby nagbabantay kay cutie pie 2. Tapos after nun, exchange naman. Si cutie pie 2 naman sinasama ko maglakad, although nakasabit lang sa akin ang little dalaga na parang koala bear at ako ang kanyang Eucalyptus tree. Hahaha! Oo, kailangan koala bear at Eucalyptus tree, bakit ba blog ko ito eh.

At oo, ako yung nagpasyal pasyal sa dalawang cutie pies habang si hubby ay nasa bahay lang. Ok lang yun kasi napuyat si hubby kagabi at mejo pagod siya. Alam niyo naman... napuyat sa pagtimpla ng gatas at napagod sa pagkarga ng bata. Divah! Akala nyo kapilyahan nanaman? Hindi no! Hahaha.

Anyway, ang reason kung bakit ako nanghihinayang na hindi nadala ang camera ay habang naglalakad ako (at nakasabit si cutie pie 2 like a koala bear) ay nalerkey ako sa nawitness naming eksena ni cutie pie2 sa kanal sa tabi ng street. Doon sa kanal ay may napaka laki na daga na naghuhugas ng kamay niya sa kanal. Tapos pa-cute pa yung pag wash niya ng kamay niya. Akala mo eh isa lang siyang cute na squirrel na naghuhugas sa isang batis na malinis. 

Pero hindi eh. Ang katotohanan ay isa siyang galisin na daga na nagbabasa ng marumi niyang paws sa isa ring maruming kanal. Ews. Pareho kaming napatitig ni cutie pie 2. Hindi naman natakot ang little dalaga ko in fairness. Parang namesmerize din siya sa nakakalokang eksena na yun at patuloy pa din naman ang pagsabit niya like a koala bear (Oo, tatlong beses ko talaga na-mention yang koala bear pose na yan. Ganun ako eh, paulit ulit para tumatak talaga sa iyong puso't isipan.)

 

At yun ang dahilang kung bakit nanghihinayang ako na wala man lang akong bitbit na phone na may camera parang napicturan ko sana, or better yet, navideohan ang nakakalokang daga na yun. Sayang. Ang sarap sana nun ipa-review kay Hillaria. Haha.

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160