high school life

Posted on at


High school life, natatandaan ko pa nuon, first day ng school,mahirap kasi mga bagong mukha ang makikita mo, walang masyadong kakilala, ang mga kaibigan mo nung elementary days di mo na rin kasama, may iilan pero minsan magkakahiwalay na din ng section.Ang hirap ng walang kakilala, sa unang mga araw wala kang kasabay mag lunch pati sa uwian.Panibagong pakikisama na naman, kailangan e, makipagkwentuhan kahit sa una "non-sense" ang mga usapan.pero sa araw-araw na kayo din ang magkakasama, nagkaka-palagayan na din ng loob.Talagang sa una lang mahirap, hanggang sa naging kaibigan mo na din sila.

Ang saya talaga ng high school, maraming bagay ang matututuhan, sa pakikisalamuha, sa kabuuan ng itsura..ang mga buhok na wavy dahil di pa uso ang rebond... naku ang sagwa talaga..pero ang saya di ba kapag naikukumpara ang itsura nuon at ngayon.

Ang mga crush, ang mga unang naging boyfriend...di makakalimutan..ang mga love letters at ballpen na mababango ang gagamitin..at ipapaabot pa sa kaibigan para makarating kay crush..kunyari pupunta sa c.r. pero ang totoo, titingnan lang kung pumasok sya.Yung tipong kumakabog ang dibdib pag nandyan na sya, hay ang sarap alalahanin. Pero syempre iyon naman e kasama lang talaga , pinakamahalaga pa rin ang pag-aaral..dahil ito ang simula ng tagumpay, isipin pa din ang kinabukasan at hindi puro ang kakiligan at lovelife.. haha!



About the author

160