Malalaki na Sila Ngayon

Posted on at


           Malalaki na sila ngayon, isang 22, 18 and 11.. Bilang isang magulang masaya na makikita mo ang mga anak mo na lumalaki,ngayon, nagtatrabaho na ang panganay ko, hay, ang bilis ng panahon, parang kailan lang takbo lang ng takbo sa bahay at naglalaro, ngayon binata na, may magandang trabaho, girlfriend at mga kaibigan..Minsan pag pala may girlfriend na ang anak mo , di mo maiwasan na mainis, selos kaya, kasi dati ako lang at ang dalawa nyang kapatid ang babae sa buhay nya, ngayon may iba na..ganito yata talaga, kailangan na lang tanggapin.Ang anak ko naman na babae, dati walang nanliligaw, ngayon may umaaligid na, dati palaging gustong umuwi ng Malolos lalo na pag holiday, ngayon parang nag-iiba, haha...ano ba naman itong nararamdaman ko, praning lang yata.Pero aminin natin mga magulang, na parang kahit gaano kabait ang mga nagugustuhan ng ating mga anak parang wala pa rin tayong gusto para sa kanila...oopps, aminin! Pero ganon lang naman tayo, pasasaan ba  e  di syempre gugustuhin na din natin,  dahil kung saan masaya ang ating mga anak, dun tayo di ba? Ang bunso ko naman, nagdadalaga, walang kibo, nandun lang sa kwarto hawak ang i-touch at nagda-download ng mga bagong kanta, minsan ayaw na din magpapayakap sa amin, hayyy buhay, mahirap pala..Kailangan intindihin natin ang mga kabataan ngayon, sakyan ang kanilang mga hilig..habaan ang pasensya at lalo pa silang pakitaan ng pagmamahal ..

            Malalaki na talaga sila ngayon.



About the author

160