Mekaniko

Posted on at


May isang babaing naligaw sa pagdadrive at nagtanong sya sa isang lalaking nakatayo sa may kanto, kung saan ang hinanap nyang building na pupuntahan.

Sagot ng lalaki; Lumiko kayo sa kanan at makakakita ka ng isang vulcanizing shop, dumiretso ka at makakakita ka ng tindahan ng motor parts, kumaliwa ka at sa dulo ay gasolinahan, kumaliwa ka ulit ang hinahanap mo ay ikalawang building mula sa isang hardware.

Ang napagtanungan pala ay Mekaniko.

 

Depende daw sa kausap natin kung ano ang sagot o punto de bista.

Naalala ko nung bago pa ko sa location nung trabaho ko at di ko alam kung saan ang simbahan, me napagtanungan ako at naituro nman ng ayos, narating ko ang lugar at nalaman ko yung taong napagtanungan ko at nag turo ng direksyon ng simbahan ay hindi pala Katoliko member pala sya ng isang sektang madalas nating pulaan.

Kung minsan, parang nasa atin ang pagkukulang o pagmamalabis.



About the author

bernalyn-dl-bautista

Simple but talkative, business minded & hard working.

Subscribe 0
160