Mga Predictions ni Gee Two for 2015: LEO, TAURUS, LIBRA, PISCES

Posted on at


Disclaimer: Oh pangalawang part na to ng series. Siguro naman eh hindi ka naniniwala na totoo to by now.
 

Apat na zodiac signs ang inuna kong hulaan. Hindi dahil sila ang paborito ko kaya ko inuna. Actually, nandito nga sa pangalawang part ang paborito ko. Malalaman nyo bakit ito ang paborito ko. Huwag na rin magtaka bakit walang nakalista na mga ka-bits sa ibang zodiac signs. Hindi nga kasi ako totoong manghuhula so hindi ko nahulaan mga ka-bits na meron ng mga zodiac signs na yun. Haha.

Leo:

Hindi ka maliligo for 10 days sa 2015. Wag kang mag-alala, hindi naman yun sunod-sunod na araw. So 10 days in 365 days, ayos na yun. Ako nga lumagpas ng ten days this year eh. Hindi din consecutive yun syempre, ano namang tingin mo sa kin?!

Mga leo na ka-bit:

Jm-Aldana, Rochelle-Corneta, Toni-Barc, Babymar-Balboa

Taurus:

Manganganak ka sa darating na year at babalik agad sa bonggang figure after manganak. O kaya naman ay magkikita kayo ng loves mo na ka-LDR mo. Oh ha! ang specific! Galing ko talaga manghula. APIR!

Mga taurus na ka-bit:

May-Ann-Quisquis-Rojo, PinkCat

Libra:

Dadami ang subscribers mo. Dadami din ang mga magbabasa ng blogs mo. Sosyal ka kasi.

Mga libra na ka-bit:

Rhanz, Migi, Marshi at syempre si Geetwo (Ayun! Kaya pala biased ang hula hahaha!)

Pisces:

Mawawalan ka ng dalawang medyas. Hindi pares ng medyas. Dalawang magkaibang socks. Pero dahil manghihinayang ka dun sa dalawang socks na walang pares, eh susuotin mo na lang sila sa work. Akala mo hindi mapapansin ng mga ka-trabaho mo pero akala mo lang yun.

Nalungkot ka ba na wala dito ang zodiac sign mo? Don’t worry, andito ang links sa iba pang predictions ko:

Mga Predictions ni Gee Two for 2015: ARIES, SCORPIO, CANCER, GEMINI

Mga Predictions ni Gee Two for 2015: SAGITTARIUS, CAPRICORN, AQUARIUS, VIRGO + BONUS HULA

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160