Napilitan akong gumawa ng 20 facts about me...

Posted on at


Si PinkCat kasi eh... sabi nya bawal KJ, oh di eto na nga...

Ang Blog Tungkol Sa 20 Facts Ko

  1. Maganda ako paggising sa umaga, kahit sabog pa ang hair. Bagay sa akin yung bedroom look. Haha. Bawal kumontra.
  2. Maganda nga, tulo laway naman. Oo, tulo-laway ako pag natutulog. Ewws.
  3. Sapatos ko at paa ko yung nasa picture sa taas. Malamang. Bakit ko naman pi-picturan paa ng ibang tao. 
  4. Hindi talaga ako mahilig mag-heels kasi hindi sanay paa ko.
  5. Pag may occasion na napipilitan ako mag-heels, natutuwa ako at pinipicturan ko. Kaya may ganyang picture ako.
  6. Mahilig akong magkwento ng mga nakakadiring bagay. Hindi ko din alam bakit. 
  7. Sa friends, kay hubby at online ko lang naman nasasabi yung mga kadiring stuff na yun kasi shy type ako in real life.
  8. Aside from my hubby, walang nakakaalam sa mga real life na kakilala ko na rumaraket ako online, anonymous ang trip ko.
  9. Matatakutin ako pero mahilig manood ng scary movies.
  10. Gusto kong inaamoy kili kili ng hubby ko kaso ayaw nya ipaamoy kasi nadyadyahe sya.
  11. May allergic rhinitis ako kaya parati akong may sipon. In other words, uhugin.
  12. Antukin ako. Pangarap kong makatulog ng 16 hours a day.
  13. Lapayatot ako. Walang sports na magaling ako. 
  14. Clumsy din. Parati akong nadadapa at nababangga kung saan saan.
  15. Mas madalas akong mabangga noong wala pa akong glasses. Akala ko kasi normal lang na malabo ang world. Haha.
  16. Kailangan ko ng glasses kasi may astigmatism ako. Astig kasi ako eh. Toinks.
  17. Kamukha ko dalawang cutie pies namin ni hubby. Ganun kasi siya ka-inlab sa akin ayan tuloy. Carbon copy ko ang dalawa.
  18. Mahilig akong magtanong, kaya ang tanong ko: kailangan ba talaga 20 facts? Parang andami eh.
  19. Nahalata nyo naman siguro sa number 18 na tamad ako. Reklamador pa.
  20. Mahilig akong mag-doodle kahit hindi naman talaga marunong. Tignan mo yung separator etchos ko, mukhang bubuyog. Pero sa totoo langaw yang mga yan. Oo, langaw. Eto, larger view para makita mo na langaw sila (kahit mukhang bubuyog pa din)


About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160