Pananampalataya

Posted on at


Gaya ng isang barkong natatakluban ng makapal na ulap. Hindi mo nakikita, wala kang nababanaag, ngunit may naririnig kang tunog, tunog ng isang dumadating na barko. Hindi mo nakikita ngunit malalim ang iyong pag kaalam: may dumarating na barko. Gaya rin ng pananalig natin sa Maykapal. Maaring hindi natin ganap na "nakikita", may nakatabing, may nakataklob; sapagkat hindi ganap ang ating isip o kaalaman para siya"tumbukin", ngunit sa iyong kalooban, alam mong naroroon Siya.  Naroon lang.

Na makikita lamang kung gagamitin natin ang mga mata ng pananampalataya.

 

Sa mga pagkakataong kayhitrap maniwala

Panginoon, dagdagan po ang aking pagtitiwala;

sa mga sandaling lubog sa pagkakasala,

O Diyos na Dakila,dagdagan po ang 'yong awa.



About the author

bernalyn-dl-bautista

Simple but talkative, business minded & hard working.

Subscribe 0
160