Promise ng pamangkin kong si Coco

Posted on at


 

Kamakalawa nag - usap kami ng napaka cute kong pamangkin si Coco by SKYPE . Nagkwento sya sa mga ginagawa nila sa school nila... Yung mga pinag aaralan nila , tungkol sa mabait niyang teacher at mga kaibigan .

 

Pagkatapos nyang magkwento, ako naman ang nagtanong kung tinigil na ba nya ang pagdede ng gatas sa bote bago matulog sa gabi.  Kasi ayon sa kapatid ko na mommy ni Coco , pag gabi lang daw naman ito hinahanap ni Coco para makatulog agad . 

Kinausap ko si Coco , sabi ko " BIG BOY ka na diba , at di ba kako nag 4 years old ka na? "  Sabi nya " Opo mommy Babylyn " pag kako 4 y/ o na , dapat hindi na dumedede sa bote , magpabili ka na lang kako sa Mommy mo ng mug bottle bilang kapalit ng dede ... antagal nyang nag - isip , walang kibo non , parang lumungkot hehehe .

Sabi ko " Di  ba Love mo ko? Kaya promise mo  sakin na hindi ka na dedede sa bote bago matulog . pag hindi mo tinupad yon , hindi ka Big Boy , still baby ka pa rin .. at iiyak ako, masa sad ako " yun ang lambing ko hehe.

 

Kahapon , nagpadala ng video ang kapatid ko na Mommy ni Coco sa Line , bilang patunay at promise ni Coco sakin na tutuparin na nya yung hiniling ko na iistop na nya ang pagdede,  kaya habang pinapanood ko , kinunan ko ito ng picture habang nagmemensahe sya na " mommy babylyn , itatapon ko na po dede ko .. At yun nga , tinapon nya sa basurahan o isang plastic bag bilang patunay na Big boy na sya at hindi na sya dedede sa bote bago matulog sa gabi .

 

Hayy , super cute , gustong gusto kong kargahin at yakapin kaso ang layo ko sa kanya eh . Marunong ng makinig sa murang edad ang pamangkin ko pala .. At love nya talaga ako , tinupad nya hiniling ko na itigil na nya pagdede sa bote .

 

 Eto ang photo na kuha ko sa video bilang patunay na di na nya kailangan ang dede , kasi BIG BOY na sya . Baka bukas ipost ko ang video para mapanood nyo hehehe, SA ngayon litrato muna .

 

 


TAGS:


About the author

160