Si Tyanning Tatum

Posted on at


Hong cute ng doodle ko ng sarili ko! Hahaha. Oo, ako yang naka-smile na doodle. Kasi naman napansin ko napakaseryoso ng avatar ko eh. Hindi match sa mga pinagsusulat ko ditey. Ayoko rin namang palitan kasi baka hindi niyo makilala. Mahirap na gawing retokada si avatar.

Anyway, tama po ang spelling ng title ko. Tyanning Tatum talaga yan. Yan na kasi ang bago kong itatawag sa tyan ni hubby. Haha. Actually na-mention ko na before dito at dito na mejo majubey si hubby. Keribelles naman kasi mejo payat ako so perfect 10 kami pag magkasama hahaha.

Pero sa totoong buhay, isa sa mga lambing ko talaga kay hubby yung pagpansin sa tyan niya, na mukhang gusto niya din naman dahil parati kong binabawian ng green jokes. Parang hindi ako nauubusan nun eh, pansin nyo ba? Hehe. Like for example, pag sinabi kong "laki talaga ng tyan mo hubby..." eh dinuduktungan ko yan ng "pero mas malaki yung nasa ilalim ng tyan mo" kaya mapapa-blush na lang siya at matatawa. Oh diba? Mga ganung factor.

Actually kaya goofy hearts ang separator etchos ko sa blog na itey kasi parang kami yan ni hubby. Pampatanggal kasi namin ng stress yang kulitan na ganyan... atsaka yung isang klaseng kulitan. Hihi. So ayun, dati kasi either Tyanda Romero (ginawang babae eh haha) or Jose Mari Tyan ang tinatawag ko sa Tyandelier ni hubby, pero naisip ko mas bagay ang Tyanning Tatum, tutal may "magic mike" din naman siya. 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160