Usapang Pwet...

Posted on at



Malamang napaganyan ka nung nabasa mo title ng blog ko. Kung hindi man, I'm sure mejo naintriga ng onti. That is kung may tyaga ka tignan mga bina-buzz mo. May iba jan buzz na lang ng buzz eh. Bahala na kung ano bina-buzz nila haha. Pero keri lang, sa mga taong ganon, salamat na rin sa generosity niyo magpindot pindot sa buzz button hehe.


So going back sa ating topic. Si cutie pie 1 kasi (yan yung 3 y/o boy namin ni hubby) nagto-toilet training na, meaning mejo marunong na mag poop at weewee sa potty. May mga accidents pa din siyempre pero keri lang... na-warningan naman na namin si ate na taga laba na hanggang banlaw lng gagawin nmin.


So ayun, during sa isa sa mga potty training sessions namin eh tumakbo ang cutie pie 1 ng nakahubo kasi pupunta daw siya sa potty. So siyempre tawang tawa kami ni hubby na nakalabas ang pwet ni cutie pie1, tapos sabi ni hubby ang itim daw ng pwet ni cutie pie 1.


Sabi ko naman "haller! Kanino pa ba magmamana yan?!" Sinagot ako ni hubby ng "Bagay, mana sa nanay!" Aba! The nerve!!! Ako pa ngayon ang maitim ang pwet! Siyempre hindi ako pumayag. At hindi ko ni-let go ang issue. 


Kaya nung tulog na ang mga cutie pies, pinicturan namin ang mga pwet namin. At kinompare side by side. Para fair. So ayun, ngayon alam na namin ang itsura ng mga pwet namin. And yes.


Panalo ako... mas maputi ang pwet ko.


In fairness. 


I'm so proud of my pwet.


So proud na gusto ko mag share ng picture... hmm... Makagawa nga ng gallery.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160