Usapang Vintage

Posted on at


Ang sakit na ng bangs ko sa kapproblema kung anong susuotin ko sa IECEP Night. Eh kasi naman, wala akong balak gastusan yung night ngayon like bibili pa ng damit at iba pang kachuchuan. Aba, mahirap na ang buhay ngayon. Mahirap kumita online! 

Ang theme kasi ay Retro pero dahil pasaway ako at mga kabarkada ko, napagdesisyunan naming magvintage nalang. Tutal pareho naman yung makaluma. Ang pinagkaiba lang, yung Retro na damit pag sinuot mo para kang Krung Krung kasi sobrang colorful mo. Pede ka nang pamalit sa Rainbow! Haha

Kaso nga, pagbuklat ko sa closet ko, wala naman pala kong Vintage na damit. Aba mahusay! Pero hep! May nakita kong mga floral kong dress since medyo may kaartehan din ako. Hahaha combination of color blue and pink. Girl na girl lang! Edi search search sa google ng vintage dress. Tapos eto yung isa nakita ko na pinakanagandahan ako:

 

 

Oh diba ang simple at ang ganda lang. Pero wala ako nyan. Kaya scroll down pa ko! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tapos nakita ko to. Ang cute lang diba. I love floral! Hihi. Wala din ako nyan. Hahaha Pero may tube floral dress ako na pwede kong palagyan ng konting sleeve na kamukha nung sa color red na dress sa taas. 

 

Kung tutuusin, kaartehan lang naman yang theme na yan at for picture purposes lang din naman kaya bakit kailangang gastusan ng bongga di ba? Haha. K. Kuripot mode ON. 

 

 

MEMA BLOG. Salamat sa nagbasa haha

 

 

 



About the author

jie-hernandez

A petite Engineering student with big cheeks and bigger dreams!

Subscribe 0
160