Eh kasi ngayon ko lang natuklasan...

Posted on at


Hay naku, mga ka-bits. Naiinis ako sa sarili ko. Meron kasi akong nadiscover today. Naiinis ako kasi kung dati ko pa todo in-exlplore ang mga features ng blog, eh di sana dati ko pa yun natuklasan. Eh kaso hindi ko inexplore eh. Hindi kasi ako si Dora. Hindi ko keri bangs ng batang yun. Lakas makapag-pa-cute. Eh hindi naman ako cute. Sexy, maganda at sosyal lang. Haha. Eto nanaman ako. Oh sya, ito na...

Ayun, nadiscover ko na may option pala ditey na pwede mo palang ilagay sa blog ang mga na-upload mo na sa gallery. Saya no? Kaya yun ang gagawin ko sa blog na ito. I-eexplain ko ng mas mabuti yung mga nilagay ko sa gallery. Pero yung mga latest na lang gagawan ko. Andami na kasi nun eh. Mejo tamad kasi ako. Mejo daw oh, eh alam naman natin na tamad talaga ako. Wala nang mejo. Umpisahan na natin, shall we? 

Ayan, latest muna. Pattern etchos. Cute no? Syempre, ako gumawa eh. Haha. Hobby ko yan eh, gumawa ng kung ano anong pattern.Sabi nila pwede daw pagkakitaan mga patterns na yan. Sabi ko naman maybe someday. Sa ngayon, mahirap na, bagsak pa kasi ang economy. Oh ha, kung makagamit ng word na economy akala mo updated sa current events. Che.

Oo, hearts hearts nanaman. At snails nanaman. Oh yung pattern, kanina, slugs yun, eto snails. Shell lang difference nila. Bakit ba? Sabing tamad nga ako eh. Okay na yan. Cute pa din naman eh. Wag na kumontra.

Ito na last na drawing na i-fe-feature ko here. Nakakapagod kasing ilagay lahat. Sabing tamad ako eh. Kulit lang eh. Kailangan ba paulit-ulit? Hahaha. Anyway, ito naman, ini-skip ko na yung mga pictures, derecho na sa drawings. Mas madali i-explain eh. Flowers flowers na drawing. Anong klaseng mga flowers yan? Aba, ewan, hindi naman ako experts sa halaman. Basta ang alam ko natuwa akong gawin ang mga yan. Yun ang importante. 

 

In fairness, natuwa ako sa pag-gawa ng blog na itey. Malamang eh gagawa ulit ako ng similar style na blog someday. Baka bukas. Toinks. 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2980
160