20 Facts about me

Posted on at


20 FACTS ABOUT ME




  1. I love all shades of blue. Pero mas love ko sky blue.

  2. Minsan boyish, minsan girly lol

  3. Matakaw pero di tumataba. Di ko alam kung bakit. (Baka may alien nang nakatira sa tyan ko jk. Haha)

  4. A swiftie and a YG stan (YG Family fan).

  5. Mahilig manood ng Japanese at Korean dramas. Currently addicted to Pinocchio.

  6. A movie addict. Mostly, Inspirational/tearjerker at horror/thriller movies. Mas matapang pa ko manood ng horror movies kaysa sa bf ko hahahha.

  7. Nagbabasa lang ng novel pag may nag-recommend.

  8. Madalas mas nakaka-appreciate ng magaganda kaysa sa pogi. (Pero d ako tibo K? Haha)

  9. Takot na takot sa ipis na nag-aala-butterfly

  10. Tahimik sa di ka-close, baliw pag sa kaibigan.

  11. Nanunuod ng anime pag may nag-recommend.

  12. Maraming nunal, lalo sa left arm. Ilan? 11 daw (binilang ni seatmate. Haha)

  13. Ayoko ng kahit anong food na strawberry flavor.

  14. May pagka-obsessed sa kahit anong bagay basta may Eiffel tower. 

  15. Camera shy kapag iba may hawak ng camera, pero mahilig mag-selfie

  16. Banking student na nangarap maging CPA (Di ko alam kung hanggang ngayon)

  17. I can't swim. Kahit may swimming class ako nung first yr college. Di ko alam kung swimming na ba matatawag yung ginagawa ko. May pagka-takot pa rin sa tubig e. Tubig as in pool, dagat, etc.

  18. Di pa rin nakakahanap ng best friend.

  19. Minsan sensitive, minsan manhid.

  20. Mabait sa mabait :))



About the author

Mademoibelle

Kpop & K-drama fan

Subscribe 0
160