Ang Kalokohan Ni Cutie Pie 1

Posted on at


Grabe talaga ang pagkainggitera ko. Nakita ko lang na ang blog ni Saori-Sam ay may animated GIF at ang blog ni Jie ay may text convo with jowa, naisipan ko agad na i-combine ang dalawang style na yun, kaya gumawa ako ng blog na may animated GIF text convo with hubby. 

So for my first blog with animated GIF text convo etchos (ang haba nun ah!), kalokohan ni cutie pie 1 ang pagusapan natin. Harot kasi ng mokong na yun tapos ang cute pa kaya ayun kahit kalokohan ang ginagawa eh mapapa smile ka pa rin. Ang lokong cutie pie 1 kasi, habang busy ako kay cutie pie 2 eh naisipang halungkatin ang stock ko ng mga sanitary napkin. At paglapit niya sa akin, sinabihan ako ng "diaper!" habang nakatodo smile. Hahaha.

Oh di ba? Ang galing eh, kasi kung iisipin mo nga naman diaper nga naman yun ng nanay nya diba? Haha. Sayang at karga karga ko si cutie pie 2 nun kaya hindi ko na-videohan ang moment na yun. At dahil hindi ko siya na-videohan, naisipan ko na lang i-kwento kay hubby through text kahit pa nasa work siya at the time. Ang mokong na tatay naman eh tuwang tuwa at nagreply agad, ito yung text convo namin:

Oh ha, proud na proud pa siya sa kalokohan ng anak niya eh. Pero bagay nakakatuwa nga naman ang takbo ng utak ng batang yun, sa tatay siguro nagmana... kasi alangan namang sa akin niya namana eh napaka seryoso kong tao na walang bahid ng kalokohan... diba mga ka-bits?

 

Diba?!

 

Hmm, bakit kaya walang gustong mag-agree...



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160