Isang Blog Tungkol Sa Kulit Ng Sogo

Posted on at


Actually mga ka-bits, nagsimula ang pags-stalk sa akin ni Sogo ditey sa bitlandia. Ito yun oh: (at oo, Kasali si Jerwin sa screenshot, just to prove na sa bitlandia talaga nagsimula ang lahat)

At pagkatapos nun, naisipan ni Sogo (Recto branch in particular) na magpapansin din sa CGP:

So okay, twice na, okay fine. Pero pati facebook naisipan niyang sumulpot, at gusto niya pa i-like ko siya! Nakakaloka!

Pero ang pinakamalupit, eh yung napaka-wholesome na panonood namin ni cutie pie 1 ng youtube videos na pang kids eh, si hotel sogo pa din ang ads. Buti na lang hindi pa marunong magbasa si cutie pie 1. 

At oo, alam ko na mejo depende ang ads na yan sa mga sites na vinivisit mo at sa mga na-google search mo kaya ako din ang may kasalanan. Para ko na rin lang inamin na may kinalaman sa Sogo Hotel Recto ang ni-search ko. Ma-L na nga, cheap pa! Che! Hindi no! Naghanap lang ako ng cheap na mas-stayan sa recto nung nagpunta ako ng Manila kaya ganyan. Hala, defensive! Haha. Pero in fairness! Hindi na Sogo ang sinusuggest sa akin ngayon. Ito na:

O ha oh ha! Sosyalan! Rome na! I love it! Ito pa oh:

I told you Rome na talaga! I'm so soshal! Agree ka na lang. At kunwari na lang hindi mo alam na sinadya kong i-search ang Rome para lang mapalitan na yung Sogo na ads. Hahaha!



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 2979
160